HALAMANG GAMOT: PARAGIS
KAALAMAN TUNGKOL SA PARAGIS BILANG HALAMANG GAMOT
KAALAMAN TUNGKOL SA PARAGIS BILANG HALAMANG GAMOT
Scientific name: Eleusine indica (Linn.) Gaertn.; Eleusine barbata Vidal
Common name: Paragis, Sambali (Tagalog); Wire grass, Dog’s Tail (Ingles)
paragis
Ang paragis ay isang uri ng damo na karaniwang tumutubo sa mga bakanteng lote at mga gilid ng kalsada. Ang mga dahon, tulad ng karaniwang damo ay pahaba at patulis. Tumutubo naman sa tuktok nito ang mga spikelets na siyang kahalintulad ng bulaklak na nagbibigay ng buto ng halaman.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA PARAGIS?
Ang iba’t ibang bahagi ng paragis ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang dahon ng paragis ay may taglay na silicon monoxide, calcium oxide, at chlorine
May taglay din na protein ang pinatuyong halaman

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Ang buong halaman ng paragis ay maaaring gamitin sa panggagamot:
Dahon. Ang dahon ng paragis ay karaniwang nilalaga upang mainom at makagamot. Maaari ding dikdikin ang dahon upang ipantapal sa ilang kondisyon.
Tangkay. Ang malambot na tangkay ng halaman ay karaniwang hinahalo sa mga dahon kapag nilalaga o dinidikdik.
Ugat. Iniinom din ang pinaglagaan ng ugat ng halaman upang makagamot.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG PARAGIS?
1. Gerd/Acid Reflux: Ang Paragis ay mabisang gamot sa may mga sakit ng gerd, dahil itoy nakatutulong mag bawas ng acid sa katawan.
2. Bulate sa sikmura. Ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at tangkay ng halaman ay mabisang pampurga sa bulate sa tiyan.
3. Hirap sa pag-ihi. Makatutulong din sa kondisyon ng hirap sa pag-ihi ang pag-inom ng pinaglagaan ng mga dahon.
4. Altapresyon. Mabisa din pampahupa ng pagtaas ng presyon ng dugo ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at tangkay ng paragis.
5. Lagnat. Mapapababa ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ang mataas na lagnat na nararanasan.
6. Pilay. Pinaniniwalaang makapanlulunas sa pilay ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng paragis sa apektadong bahagi ng katawan.
7. Balakubak. Ihinahalo naman ang dinikdik na dahon at tangkay sa gogo bago gamitin bilang shampoo sa anit na apektado ng balakubak.
8. Dysenteria. Ang matubig na pagtatae na may kasama pang dugo ay maaaring malunasan ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng halaman.
at marami poang iba....
Reminder:
Hindi ito ipinapauong inumin ng:
Anemic
Pregnant
Dialysis Patiens..
at marami poang iba....
Reminder:
Hindi ito ipinapauong inumin ng:
Anemic
Pregnant
Dialysis Patiens..
pwede ba inumin ng may aplastoc anemia ang paragis?
ReplyDeleteHello po ask ko lang po ,uminum po ako ng isang basong paragis .natural lang bha ? Na sasakit ang tiyan ko ? Sumakit po kasi bigla ..
ReplyDeleteKapag nag susuka po na may kasamang dugo pwede po bang uminum ng paragis
ReplyDelete