Tuesday, September 26, 2017

Tomato




HALAMANG GAMOT: KAMATIS
KAALAMAN TUNGKOL SA KAMATIS BILANG HALAMANG GAMOT

Scientific name: Solanum lycopersicum Linn.; Lycopersicon lycopersicum (L.) H. Karst; Lycopersicon esculentum Mill.
Common name: Kamatis (Tagalog); Tomato (Ingles)native_tomato

Ang kamatis ay isang karaniwang halaman na tumutubo saan mang parte ng mundo. Ang bunga nito na mapula ay karaniwang ginagamit sa maraming lutuin at putahe ng iba’t ibang kultura. Maliit lamang ang halaman nito at hindi tinutubuan ng matigas na sanga.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KAMATIS?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang kamatis ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

Makukuhanan ng solanine at fixed oil ang buong halaman ng kamatis.

Ang bunga ay may taglay naman na carotene lycopene, na isang mahusay na antioxidant. Ang mapulang kulay ng kamatis ay dahil naman sa lycopene.

Bukod pa sa mga ito, ang bunga ay maroong tubig, protina; taba, carbohydrate, fiber, vitamin A, B, C, nicotinic acid, pantothenic acid, Vitamin E, biotin, malic acid, citric acid, oxalic acid, mga mineral gaya ng sodium, potassium, calcium, magnesium, iron, copper, manganese, phosphorus, sulfur, at chlorine

Ang mga buto naman ay may taglay na globuline, vitamins A, B, at C, at solanine

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

Bunga. Karaniwang ginagamit ang bunga ng kamatis hindi lamang sa mga lutuin, kundi pati na rin sa panggagamot. Ito’y madalas kinakatasan, pinatutuyo at kinakain lamang.

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG KAMATIS?

1. Hirap sa pagdumi. Ang pagkain sa bunga ng kamatis o kaya ay pag-inom sa katas nito ay mabisa para sa hirap sa pagdumi.

2. Hika. Nakatutulong sa kondisyon ng hika ang ang pag-inom sa katas ng kamatis.

3. Problema sa atay. Ang nanghihinang atay na dulot ng ilang mga kondisyon ay maaring matulungan din ng pag-inom sa katas ng kamatis.

4. Dyspepsia. Ang pananakit ng tiyan at hirap sa pagtunaw ng kinain na dahil sa dyspepsia ay maaaring maibsan ng pag-inom din ng katas ng kamatis.

5. Impatso. Kung napapadalas na may problema sa pagtunaw ng pagkain, ang pag-inom sa katas ng kamatis ay makatutulong nang malaki.

6. Hindi ninanais na pamumuo ng dugo. Ang pamumuo ng dugo na maaaring magdulot ng stroke, atake sa puso at iba pang kondisyon ay maaaaring maagapan ng pagkain ng kamatis.

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang HALAMANG GAMOT"Herbal Medecine Page ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sa pagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

No comments:

Post a Comment