Ang Dahon ng Kaymito(Star Apple Leaves) ay hindi lamang isang ordenaryong dahon, dahil ito ay may malaking kontribusyon sa ating mga tao, dahil ito ay maaring gamiting gamot sa Pananakit ng Tiyan, Dayarya at sa Mga namamagang bibig at Gilagid.
Ang mga sumusonod ay ang mga paraan kung paano ito gamitin para sa mga sakit na nabanggit.
Pananakit ng Tiyan at Dayarya
*Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na dahon ng kaymito sa dalawang basong tubig.
*Ilipat ang pinagpakuluang tubig nito at ilagay sa Tasa, Inumin ito habang maligamgam.
Dosage:
Matanda: 1 tasa,3x sa maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
Bata: (Sanggol) 1 Kutsara, 3x sa maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
(2-6 years old) 1/4 tasa, 3x sa maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
(7-12 years old) 1/2 tasa, 3x sa maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
Mga namamagang bibig at Gilagid
*Pakuluaan ng 10 minuto sa 2 basong tubig ang isang tasa ng tinadtad na sariwang dahon.
*Gawin itong Pang mumog.
Paalala:
Ang mga halamang gamot ay natural na ibinigay ng diyos sa atin, gamitin natin ito ng tama. Kung patuloy at lumalala parin ang mga karamdaman, maari po tayong kumunsulta sa Doktor.
No comments:
Post a Comment