Tuesday, October 10, 2017

Bayabas/Guava


Ang bayabas ay kilalang halaman lalo na dahil sa bunga nito na paborito ng maraming Pilipino. Ginagamit ang ilang bahagi ng halamang ito particular ang dahon bilang panggamot sa ilang mga karamdaman. Karaniwan naman itong tumutubo sa iba’t ibang lugar sa kapuluan ng Pilipinas.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA BAYABAS?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang bayabas ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ang halaman ng bayabas ay makukuhanan ng mga kemikal na alkaloids, flavonoids, glycosides, polyphenols, reducing compounds, saponins at tannins.
  • Ang dahon ay mayroong alkaloids, anthocyanins, carotenoids, essential oils, fatty acids, lectins, phenols, saponins, tannins, triterpenes, and vitamin C. Mayroon pa itong ß-sitosterol, maslinic acid, at flavonoids.
  • Ang bunga naman ay may taglay na glykosen, saccharose, protein, at iba pa. Mayaman din ito sa Vitamin C.
  • Ang ugat at balat ng kahoy ay parehong may mataas na lebel ng tannins

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Dahon. Ang dahon ay malimit gamitin na panggamot sa ilang mga karamdaman. Maaari itong ilaga at ipainom sa may sakit na parang tsaa. Maaari ring tadtarin ang dahon upang mas madaling makuhanan ng katas. Maaari ding ipanguya lamang ang murang dahon ng bayabas at gamitin ang nanguyang dahon bilang gamot. Maaari ring ipang tapal ang dinikdik na dahot sa mga apektadong bahagi ng katawan.
  • Bunga. Ang bunga ng bayabas ay maaaring kainin lamang o lutuin at isangkap sa ilang mga putahe.
  • Balat ng kahoy. Pinakukuluan ang balat ng kahoy upang ipang mumog o ipanghugas.
  • Ugat. Inilalaga din ang ugat ng bayabas kasama ng iba pang bahagi ng halaman upang magamit bilang gamot.
  • Bulaklak. Ang bulaklak din ay maaaring isama sa paglalaga ng ilang mga bahagi ng halaman.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BAYABAS?

1. Ulcer. Ang pagkakaroon ng ulcer sa sikmura ay matutulungang mapagaling nang mas mabilis sa tulong ng pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng bayabas.
2. Sugat. Mabilis din ang paghilom ng mga sugat kung tatapalan ng dinikdik na dahon ng bayabas. Mahusay din ang paghuhugas sa sugat gamit ang pinaglagaan ng sariwang dahon.
3. Pananakit ng ngipin. Maaaring nguyain ang murang dahon ng bayabas upang mabawasan ang pananakit ng ngipin. Dapat ding isiksik sa bulok na ngipin ang nginuyang dahon.
4. Pagtatae. Makatutulong ang pag-inom sa pinaglagaan ng tinadtad na dahon ng bayabas, o kaya pinaglagaan ng ugat at balat ng kahoy ng bayabas. May bisa din ang pinaglagaan ng murang bulaklak ng bayabas.
5. Pamamaga ng gilagid. Ang pamamaga naman ng gilagid ay maaring mapahupa ng pagmumumog sa pinaglagaan ng ugat at balat ng kahoy ng bayabas. Makatutulong din ang pagnguya ng murang dahon ng bayabas.
6. Rayuma. Ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng bayabas sa mga apektadong bahagi ng katawan ay makababawas sa pananakit dulot ng rayuma.
7. Hirap sa pagdumi. Ang bunga ng bayabas na ginawang jelly ay makatutulong sa pagpapadalit ng pagdumi.
8. Epilepsy. Ang katas ng dinikdik na dahon ng bayabas ay mabisa din sa pagpapahupa ng sintomas ng epilepsy.
9. Bagong tuli. Kilalang ginagamit ang pinagnguyaan ng dahon ng bayabas sa mabilis na pagpapagaling ng sugat sa bagong tuli.
10. Bagong panganak. Ginagamit din ang pinaglagaan ng dahon ng bayabas sa paghuhugas sa puerta ng babae na bagong panganak. Makatutulong ito sa mas mabilis na paghilom ng sugat.
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

PAPAYA


Ito ay huling bahagi hinggil sa mga benepisyo ng papaya sa iyong katawan. Narito pa ang ilan:
Nakakatulong para sa buntis – Karaniwan na sa buntis ang pagkakaroon ng morning sickness o ‘yun masamang pakiramdam sa umaga gaya ng pagsusuka at pagkahilo. Ang pagkain ng isang hiwa ng papaya ay makakatulong para mapigilan ito.
Nakakaiwas sa osteoporosis – Ang taglay na enzymes ng papaya ay nakakatulong para maiwasan ang panghihina ng buto na nagreresulta sa sakit na osteoporosis. Anti-cancer din ang prutas na ito dahil mayaman sa Bitamina A at C.  Kaya kung ikaw ay dumaranas ng trangkaso, mabuting kumain ng papaya para mapalakas ang immune system ng iyong katawan.

Shampoo – Mahusay din ito sa buhok, dahil nakakatanggal ito ng balakubak.
Contraception – Sa isang pag-aaral ng mga eksperto, pinakain ng papaya ang mga adult monkeys at naobserbahang nawalan ng gana ang mga ito na makipag-sex kahit pa nagbibigay ng signal ang mga babaeng unggoy para sa kanilang “mating”. Dahil dito, maraming naniniwala na mahusay din na contraceptive ang papaya lalo na kung ang iyong partner ay “mahilig” sa sex. Bukod dito, tumutulong din ang papaya para maging regular ang menstruation ng mga kababaihan. Maging ang pamumulikat ay maiiwasan din sa mga panahon ng pagreregla kung regular na kakain ng papaya.

Thursday, October 5, 2017

Dahon ng Kaymito/Star Apple Leaves


Ang Dahon ng Kaymito(Star Apple Leaves) ay hindi lamang isang ordenaryong dahon, dahil ito ay may malaking kontribusyon sa ating mga tao, dahil ito ay maaring gamiting gamot sa Pananakit ng Tiyan, Dayarya at sa Mga namamagang bibig at Gilagid.
Ang mga sumusonod ay ang mga paraan kung paano ito gamitin para sa mga sakit na nabanggit.


Pananakit ng Tiyan at Dayarya

*Pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng tinadtad na dahon ng kaymito sa dalawang basong tubig.

 *Ilipat ang pinagpakuluang tubig nito at ilagay sa Tasa, Inumin ito habang maligamgam.

Dosage:
            Matanda: 1 tasa,3x sa maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.


            Bata: (Sanggol) 1 Kutsara, 3x sa maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
                      (2-6 years old) 1/4 tasa, 3x sa maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.
                      (7-12 years old) 1/2 tasa, 3x sa maghapon at bawat pag dumi ng malabnaw.



Mga namamagang bibig at Gilagid
*Pakuluaan ng 10 minuto sa 2 basong tubig ang isang tasa ng tinadtad na sariwang dahon.
*Gawin itong Pang mumog.


Paalala:
 Ang mga halamang gamot ay natural na ibinigay ng diyos sa atin, gamitin natin ito ng tama. Kung patuloy at lumalala parin ang mga karamdaman, maari po tayong kumunsulta sa Doktor.


Thursday, September 28, 2017

Mango Leaves/Dahon ng Mangga

.
Mango Leaves, or in tagalog dahon ng mangga.

Alam nyo bang ito ay isang mabisang gamot?  Ang mga sinaunang tsino ay natuklasan ito na nag tataglay ng caffeic acid, mangiferin, gallic acid, flavonoids, volatile compounds at marami pang iba!

Ito ay Mabisang gamot sa DIABETES dahil itoy kumokontrol ng blood sugar level. Mainam din itong gamot sa may HIKA, at nakatutulong ito upang manatiling malusog at masigla ang ating Kidneys at Atay..

How to Prepare:
* Kumuha ng 5-12 na murang dahon ng mangga, yung kulay yellow green or purple, huwag yung masyado nang dark green.
*Hugasan itong mabuti at tiyaking ito ay malinis na.
*Pakuluan ito sa malinis na tubig, tatlong tasa.
*Pagkatapos pakuluan, ilagay muna ito sa isang tabi, at palipasin ang buong gabi...
*Sa umaga, inumin ang pinag pakuluan nito kahit isang tasa lang, bago kumain ng breakfast.


We hope, nakatulong ito sa inyo, at sana ay gumaling kayo. God Bless!


Wednesday, September 27, 2017

Sambong


Ang Sambong or Subusob ay isang halamang gamot na maari nating gamitin sa maraming karamdaman. Itoy napatunayan na ng mga experto na tunay ngang naka pag papagaling ito sa mga sumusunod na karamdaman.
Ang pag inom ng pinakuluang dahon nito ay mabisang gamot sa pag taas ng Presyon ng dugo, pag tunaw ng bato sa pantog, nakaka galing sa may sipon, Hika, sa Bronchitis, mabisa rin itong gamot sa sakit ng tiyan. UTI, Sa may mga problema sa pag hinga,sa mga lalamunang namamaga (tonsil), Bulate sa tiyan at mabisa rin itong Anti-gastralgic.

Samantalang ang pag dikdik at pag tapal ng dahon nito ay mabisa ring gamot sa Rayuma at Sugat.

Ito ang sample ng pag proseso para sa pag gamot sa
*Mga Nak-Nak at Pigsa
 Csyt
Sakit sa ulo dahil sa sinusutis

- Mga Nak-Nak at Pigsa
*Mag dikdik ng limang malulusog na dahon ng Sambong.
Itapal ito sa parteng may nak-nak o pigsa, dalawang beses sa isang araw.


-Talamak at pang matagalang Cyst
*Pakuluan ng 15 minuto ang isang tinadtad na sariwang dahon sa 2 basong tubig. at inumin ito..
Para sa matanda edad 13 pataas, uminom ng 1/2 tasa, tatlong beses sa isang araw.
Para sa mga batang edad 2-6yrs old, dalawang kutsara, tatlong beses sa isang araw
Para sa mga batang edad 7-12yrs old, 1/4 tasa, tatlong beses sa isang araw.

-Sakit sa ulo dahil sa sinusutis
*Lamukusin ang limang dahon ng sambong at idarang ito isa isa sa apoy.
Itapal ito sa noo habang ito ay mainit pa para sa frontal sinusitis at sa pisngi para sa maxillary sinusitis.
Palitan ang lumamig na dahin ng bagon ininit na dahon hanggang sa magamit na lahat ang lima.
Dalawang beses gawin ito sa isang araw.


Garlic/Bawang



Ang bawang ay ginagamit bilang gamot sa napaka-tagal ng panahon, mula pa ng ginawa ang Egyptian pyramids. Ang Bawang ay sinasabing tulong upang pigilan ang sakit sa puso tulad ng atherosclerosis, mataas na kolesterol, mataas na presyon ng dugo, at kanser.

Ang bawang ay naglalaman ng antibacterial na kilala bilang Allicin. Dahil dito ang bawang ay kilala bilang likas na antibyotiko. Ang bawang juice ay hindi pinapayagan ang paglago ng fungi at virus na pumipigil sa viral, yeast at viral infection. Ipinakita rinng ilang pag-aaral na ang bawang ay mayroong positibong resulta sa paggamot ng AIDS.

Ang Philippine Department of Health ay nagsabing ang bawang ay isang alternatibong gamot dahil sa mga anti bacterial na katangian nito at epektibong pagkontrol ng hypertension, blood cholesterol at blood sugar para sa mga diabetics.

Medical uses ng bawang bilang herbal medicine

Bawang - Antiinfectious: Antibacterial, antifungal, antiparasitic. Ang bawang juice ay inilalagay sa bahagi ng katawang affected. Scientifically ang 0.4% ajoenecream, (ajoene ay isang chemical compound mula sa bawang) kapag ipinahid ay napag-alamang epektibo ng 70% sa Dermatologic fungal infection. Ang0.6% gel naman nito ay epektibo sa mga tinea corporis at tinea cruris.

Bawang – Antiinflammatory at antioxidant kapag isinama sa diyeta.

Bawang - Hypertension: Ang bawang kapag nginuya o kinain. Ang mga pag-aaral, ay iminumungkahi na ang paglunok ng bawang ay may epekto bilang antihypertensive ngunit ang pagpapababang dugoay malamang na hindi mabilis. Ang iba pang mga pag-aaral ay nagpapakita ng isang benepisyo sa pamamagitan ng pagpapabuti ng aorta vascular elasticity at posibleng pagbagal ng atherosclerosis progression.

Bawang - Hyperlipidemia: Ang bawang kapag nginuya o kinain ay mapag-alamang nagpapababa ng kolesterol ng dugo. Kahit maraming kontrobersiya, ay marahil na may kapaki-pakinabang na epekto sa serum cholesterol at antas ng LDL. Ang ilang mga pag-aaral ay nagpapakita ng 4% hanggang 12% na pagbaba ng kabuuang kolesterol. Ngunit tila walang epekto sa high density lipoprotein (HDL).

Bawang - Anti-kanser: Ang bawang ayon sa mga pag-aaral ay posibleng mayroong anticarcinogenic properties, partikular para sa colon, tiyan at prostate cancers. Sastomach cancers, malamang sa pamamagitan ng epekto ng paglanghap sa H. pylori. Saepidemiologic studies sa tiyan at colorectal cancer prevention, ang paggamit ng bawang mula 3.5 gramo hanggang 30 gramo ng sariwa o lutong bawang bawat linggo.

Ang ibang gamit ng bawang bilang herbal medicine na nangangailangan pa ng higit na pag-aaral

Arthritis, rheumatism, toothaches: Durugin ang ilang pirasong cloves ng Bawang at ilagay sa bahagi ng katawang apektado.

Headaches: Durugin ang isang clove ng bawang at ilagay sa magkabilang temples bilang poultice.

Insect bites: Durugin o hatiin ang bawang at ikaskas sa kagat ng hayop o insekto.

Athlete's foot. Durugin o hatiin ang bawang at ikaskas sa parte ng katawang apektado.

Fever: Magpakulo ng dahon ng bawang at ipahid sa katawan at ulo.

Colds, cough, sore throat, hoarseness, asthma and bronchitis; Nasal congestion Mag steam para malanghap ang dinurog na bawang kasama ang isang kutsaritang suka sa kumukulong tubig.

Ang sariwang bawang ay ginagamit bilang herbal medicine sa INH therapy sa tuberculosis.

Digestive problems and gastrointestinal spasms. Inumin ang pinakuluang bawang bilang suppository.

Parsley




How to clean your kidney – Drink Parsley Juice

Today, I am as usual back on my self me. I am back trying to see what else I could learn out of my friends and see if I could benefit and use something they post for health issues and wellness and as usual, a friend, Lori posted something interesting for which I would like to personally quote here on this blog, Healing Galing. I hope you guys enjoy and learn a lot and be healthy.

how to clean your kidney with parseley juice
Parseley Juice on a Glass

As for me and my family? Well, the three of us just had our best hearty meal breakfast after a couple of days of eating the less healthy food options for Christmas. Today, you won’t imagine what we just put in our system. We had raw squash grated or shredded like cheddar cheese ready to be put on a spaghetti meal but no, we don’t have that. Instead, my sweetie, Ana cooked some old food on the fridge, a piece of daing, a small slice of ham and 2 boiled organic eggs. My daughter TJ loves that. She was able to consume up 1 of them and had the last one probably saved for our lunch today. In short, we all ate raw squash and had tomato and cucumber salad too. Both veggies were deseeded (seeds removed).
With my serving, you will not believe it. I added a small-finger-sized fresh turmeric (yellow ginger) to see what effects I can get out of it. I also added the same amount of serving to my squash of ginger and a clove of garlic plus I also added a teaspoon full of organic honey. You won’t believe what it takes because it simply is like “atchara”.

Anyway, the effects were so very relaxing in my system. I can feel my metabolism immediately boosted up. I started to perspire and I never felt so good before. Add up to that we all drank a glass of luke warm water on a shaken bottle just like what Dr. Edinell Calvario always tells us.

Now back to the parsley juice. I had a quote taken from my friend (as I’ve mentioned above) and it says this for cleaning up your kidneys and ridding it from all the toxic waste that it has collected all your life… Please read the quoted message below.

“CLEAN YOUR KIDNEYS IN $1.00 OR EVEN LESS
Parsley is known as best cleaning treatment for Kidneys … and it is natural

Years pass by and our kidneys are filtering the blood by removing salt, poison and any unwanted entering our body. With time, the salt accumulates and this needs to undergo cleaning treatments and how are we going to overcome this?

It is very easy, first take a bunch of parsley (or Cilantro / Coriander Leaves) and wash it clean. Then cut it in small pieces .. put it in a blender with clean water or coconut water blend it and drink.

Drink one glass daily and you will notice all salt and other accumulated poison coming out of your kidney by urination also you will be able to notice the difference which you never felt before.